PAGPAPALAGO NG TURISMO SA PILIPINAS
“Piliin mo rin ang Pilipinas, kapuluang kwintas ng perlas, piliin mo yakapin mo kayamanan
nyang likas piliin mo ang Pilipinas”,talagang tunay na maipagmamalaki ang
bansang Pilipinas. Ano nga ba ibat-ibang nilalaman ng bansang Pilipinas? Bakit
nga ba ito lubos na dinarayo na halos dito na nga naninirahan ang mga banyaga.
Ngunit bakit sa kabila ng lahat ng ito , bakit nahuhuli parin ang Pilipinas
ayon sa mga ulat? Talagang makikita na napag-iiwan na tayo ng ating karatig na
bansa sa South-East Asia. Kaya hanngang ngayon ginagawa lahat ng Department of
Tourism para mapalawig ang turismo sa ating bansa at mapataas ang ekonomiya
nito.
Napakalaking bagay ang mga naiiambag
ng turismo sa isang bansa. Sapagkat ang kanilang ginastos o ibinibili ang
siyang nagpapalakas sa ekonomiya ng isang bansa. Katulad na nga lang ng bansang
Pilipinas,madalas itong dinarayo,sapagkat ang ating bansa ay biniyayaan ng mga
likas yaman na siyang nakakahalina sa mga turista. Ang mga dayuhang bisita rin
ang syang nagiging dahilan kung bakit nafi-feature sa mga Discovery Channel ang
ating mga tanawin para sa mas malawakang esksposyur. Isa rin sa dahilan kung
bakit binabalik-balikan ang ating bansa ay dahil sa pagiging “hospitable”o
pagiging maalaga nating mga Pilipino, mga pagkaing hindi malilimutan katulad ng
“balot”,”adobo”,at maraming pang iba,maging ang mga “exotic adventures”,”white
sands”,at ang pagiging mayaman natin sa ibat-ibang kultura ng bansang
Pilipinas. Ganyan natin hinihikayat ang mga banyaga para dayuhin ang ating
minamahal na bansa.
Sa pagdami ng turistang banyaga sa ating
bansa,tumaas ang ekonomiya natin,nakakatulong ito sa pagapapagawa ng mga
imprakstraktura,pagpapaganda ng ating mga paliparan at mga kalsada. Pati narin sa mga simpleng tip na binibigay ng mga
dayuhan sa ating mga Taxi Driver, Massage Therapist, Tour Guide at iba pa,
nakakatulong ito sa kanila ng lubos. Sa pagpapataas ng ating ekonomiya
nabibigyan ang ilang Pilipino na magkaroon ng trabaho, kug kaya’t nababawasan
ang mahihirap na pamilya. Gayunman, hindi parin ito sapat para mapunan ang
lahat ng problema ng ating bansa. Hindi talaga ,madaling trabaho ang pagtutuon
nang atensiyon sa pagapataas pa lalo ng turismo ng Pilipinas ,dahil
kinakailangan ito ng malawakang pagpaplano para matiyak na maiiangkop ito sa
kabuuan ng layunin na mga lokal na pamahalaan.
“Filipino First Policy” ni dating Pang.
Carlo P. Garcia , ang syang dapat ipatupad muli,sapagkat ito ang isa pang
proklamasyon na makakatulong sa pagpapataas ng ating ekonomiya. Isa pa ang
pagkakaroon ng pangmalawakang programa kagaya nalang ng pagdadaos ng ” Miss
Universe” sa Pilipinas dahil dito nagkakaroon ng pagkakataon na mapakita sa
buong mundo ang nilalaman ng ating bansa at ang mga ipinagmamalaki ng
Pilipinas. Malaki man ang nagagastos sa pagdadaos ng mga programang katulad
nito,malaki rin naman ang magiging ambag nito dahil nagkakaroon ng interes ang
mga dayuhang turista na makilala ang mga likas yaman na ipinagmamalaki nating mga Pilipino.
Talagang masasabing
maipagmamalaki ang ating bansa. Upang mas mapalago pa ang turismo sa Pilipinas,
kinakailangan nating buhaying muli at pagyabungin ang kultura ng ibat-ibang
rehiyon sa bansang Pilipinas, katulad ng mga katutubong sayaw ,mga laro na
kagaya ng piko, sipa, tumbang preso at iba pa. Siguradong mahihikayat natin ang
mga banyagang turista na pumunta sa ating bansa. Alam nating nasa moderno na
tayong henerasyon, kayat mahihikayat natin ang mga banyaga na maranasan ang mga
tradisyon at kulturang meron tayo. Lubos na makakatulong din ang paggawa ng mga
accessories kagaya ng “keychain”,”bracelet”,kwintas,at mga souveniers na
pwedeng bilihin ng mga banyaga at pagkakitaan ng mga Pilipino. At ang
pagkakaroon ng kapayapaan saating bansa at mahigpit na seguridad. Ang
pagkakaroon nito ay mas makakahikayat sa mga banyaga na pumunta saating bansa
dahil sila ay tiwala na ligtas saating bansa. Hindi man tayo lubos na makasabay
sa mga karatig bansa natin ang mahalaga ay nagkakaisa at nagtutulungan tayo sa
patuloy na pag-unlad nang ating mahal na bansa. At ang tanawin naipinagkaloob
satin ng ating Panginoon ay dapat na pangalagaan at pagkaingatan, dahil dito
sumusimbolo ang ang pagiging maalaga
nating mga Pilipino.